✔Mga lalaking pinagluluto ka ng paboritong ulam mo.
Busog na nga sa pagmamahal, busog pa ang tiyan.ü
yep! umpisa palang kikiligin ka na ^_^
My Friend asked me on phone kanina…
Cha: Uy friend! Hindi ka pa ba mag-training? Tara nalang dito sa hospital samin.
Kei: Eh friend, Hinihintay ko lang yung vacant sa WUMC. Alam mo naman, gusto ng parents ko sa Tertiary Hospital ako magkaroon ng experience. Try ko na nga din mag-apply sa Premiere Medical Center e. Tapos pinakukuha pa ko ng training ng BLS, ACLS, at AED. Tae friend! Sunud sunuran ako sa parents ko.
Cha: Ay naku friend! Lika na dito! Sayang ang panahon. Hirap pag tambay sa bahay. Mag-volunteer ka na!
Kei: Tingnan ko pa friend…
Sa totoo lang, hindi ko gusto maging Nurse. Bachelor of Arts ang gusto ko. Dun kasi talaga ang linya ko. Pero dahil sa parents ko, ayun! Natapos ko ang BSN at RN na din ako. Isang taon na kong tambay. Ang hirap talaga. Walang allowance, tapos lahat ng pinag-aralan mo nun parang wala na lahat.
Mahirap talaga makapasok sa Hospital para mag-training. Kailangan talaga ng backer. May mga backer naman ako. Pero gusto ko naman makahanap ng trabaho na hindi umaasa sa iba. Ayoko kasi ng may utang na loob. Hindi naman ako nagmamalaki or what, pero mahirap kasi yun. Hindi mo alam gang kelan kayo in good terms ng taong magpapasok sayo. Baka kasi one day, magkaroon kayo ng misunderstandings tapos lahat isumbat pa sayo. Ayoko ng ganun.
Isa pang dahilan kung bakit ayaw ko gumamit ng backer, ay dahil gusto ko naman may mapatunayan ako sa sarili ko. Na may nagawa ako kung bakit naabot ko yung meron ako. Yun nalang kasi maipagmamalaki ko.
Hindi man ito yung gusto ko talagang field, mamahalin ko na to. Pinaghirapan ko na din to weh.Pangarap nalang ng magulang ko tutuparin ko, masaya na ko nun. Kahit yung pangarap ko, hindi ko naabot.
If you want to be happy, choose what makes you happy. “HAPPINESS IS A CHOICE”
Very simple. ^_^

Babae ako eh. Mas madali akong masaktan. Kahit konting bagay lang na pwedeng ikasakit ng damdamin ko, masasaktan at masasaktan ako. Mahina ako pagdating sa mahal ko.
Babae ako eh. Selosa ako. Natural na sakin yun, ayoko ng may kaagaw pagdating sayo. Ayoko ng may iba pang nakakakuha ng atensyon mo. Ayoko na ipinararamdam sakin na madami pang pwedeng ipalit sakin.
Babae ako eh. Malambot yung puso ko. Hindi ko kayang tiisin yung mahal ko. Hindi ko kayang magalit o magtampo sa kanya. Hindi ko kayang itaas yung pride ko. Mahal ko siya, at ayokong mawala siya sakin.
Babae ako eh. Moody ako. Minsan masungit, minsan mabait. Kaya sa mga panahon na moody ako, sana intindihin mo ko. Kapag nagsusungit ako sa’yo, sana habaan mo pa yung pasensya mo. Sana hindi ka magsawa sa pag-iintindi sakin.
Babae ako eh. Iyakin ako. Kahit konting away lang, umiiyak na ko. Hindi ko kayang magalit e, kaya iniiyak ko nalang. Yung tipong isang iyakan lang, okay na ulit ako. At sa bawat iyak ko, nandun yung takot na mawala ka sakin.
Babae ako eh. Makitid utak ko. Kahit konting bagay lang, iba na yung dating sakin. Minsan hindi ko kayang umintindi, at minsan nawawala ako sa sarili ko. Hindi ko kayang kontrolin yung emosyon ko, at minsan nagpapadala ako.
Babae ako eh. Babae ako, ako yung minsan dapat iniintindi, sana sa mga panahon na nakikita mo akong nasasaktan at umiiyak, nanjan ka para alalayan ako. Sana nandyan ka para pasayahin ako, kasi alam mo, ikaw lang naman yung kasiyahan ko.
I’m no longer a “One Winged-Angel”.
Angas ng title ko wah! Haaaaay. Nakakaiyak pala yung mag-propose sayo na magpakasal na kayo noh? Naiyak ako sa sobrang saya… Waaaaaah! Sasabog na yata yung puso ko @_@ … Iba kasi kapag yung lalaki ay nagsabi na “Will you marry me?”. Isang tao lang talaga yung sasabihan nila nito. Yung TRUE LOVE, THE ONE, and LAST nila. Ang mga lalaki kasi, takot yan sa long term commitment (yan yung observation ko ha, kasi barkada ko mga lalaki. Pinagtanong ko talaga yan!) kaya ayun. Nagulat talaga ko. Inaya na niya ko magpakasal.
Tatanggi pa ba ko?! Ofcourse not!
We loved each other for a long time. And I think, it’s time to settle down… In 3 years time. ^_^
Engaged…




